Allen Iverson by Brian Yalung

Hindi naging lingid sa dating National Basketball Association MVP na si Allen Iverson ang naging paglalakbay ng Gilas Pilipinas pabalik sa World Basketball.

Patunay ito na naging malaki ang impact ng pambansang koponan ng Pilipinas sa pandaigdigang entablo ng isport makaraan ang apat na dekadang pananahimik.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon kay Iverson, na dumalaw sa bansa para sa isang charity basketball event, bagamat isa lamang ang naipanalo nilang laro sa Spain sa nakaraang FIBA World Cup noong Agosto, at nabigong maiuwi ang ginto sa Asian Games noong nakaraang buwan, hindi ito nangangahulugan na hindi magaling sa basketball ang mga Pilipino. Aniya, ang kanyang mga narating at nagawa bilang isang NBA player, kabilang na ang pagiging 11-time All-Star, ay patunay na hindi lamang ang tangkad at laki ng katawan ang sukatan ng isang manlalaro o koponan.

Aniya, ang mahalaga ay ang tibay ng loob at determinasyon.

"When you play basketball, you have to playas if it's your last game. Every Single time," saad ng top rookie pick ng 1996 NBA Draft. "Give it all you've got. Put your heart and soul into it. You're serving a higher purpose, put yourself last."

At ngayong inuumpisahan na ang proseso ng bagong bubuo sa Gilas Pilipinas, tingin ni Iverson ang pagpili sa itatalagang bagong head coach ang pinakakrusyal.

"You need to have a father figure, someone who'll tell you what you need to hear instead of what you want to hear. That person has to command respect," sinabi ni Iverson, ilang minuto bago tumulak pabalik sa United States kamakalawa ng gabi.

Tungkol sa kanyang ikalawang pagbisita sa Pilipinas, sinabi ni Iverson na lubos siyang natuwa sa naging mainit na pagtanggap ng Pinoy fans sa kanya at hindi siya magdadalawang-isip na magbalik.

"It's been fun. It's been amazing. Manila, let's do this sometime again soon," pagtatapos niya.