Umaasa si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Ricardo Garcia na tuluyang maipasa ang Republic Act 9064 upang matulungan ang pambansang atleta na nagbibigay ng karangalan sa bansa sa mga sinasalihang internasyonal na torneo.

Sinabi ni Garcia na lubhang kinakailangan ng pambansang atleta, partikular ang mga differently-abled athletes, ang mas maagang pagapruba sa mga susog na batas upang makatulong sa kanilang paghahanda at pagsasanay.

“Hopefully, mas maagang maaprubahan para makatulong din sa ating mga atleta lalo na doon sa mga differently-abled athletes natin,” pahayag ni Garcia.

Nakasaad sa mga nakasumiteng susog ang pagtukoy sa halaga ng insentibong ibibigay para sa mga differentlyabled athletes na nanalo sa malalaking kompetisyon na tulad ng katatapos na Asian Para-Games.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang insentibo na ibinibigay ng PSC ay malayo sa ibinibigay sa mga atletang nananalo sa Asian Games na base sa batas ay P1 milyon, P500,000.00 at P100,000.00 ang gantimpala sa ginto, pilak at tansong medalya habang mayroong P25,000.00, P15,000.00 at P10,000.00 sa Para Games.

“Hindi sakop ng Incentives Act ang insentibo sa differently-abled athletes kaya talagang malayo ang amount dahil ito ay kukunin sa pondo ng PSC at discretion ng PSC board. ‘Di tulad sa mga nanalo sa Asian Games o iba pa na nakatakda sa PAGCOR at defined kung magkano ang kanilang matatanggap,” ayon kay Garcia.