Malubhang nasugatan ang isang tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) habang arestado ang isa sa apat nakabarilang armadong kalalakihan na nangholdap ng isang empleyada sa Quezon City noong Huwebes ng madaling araw.

Sa report ni QCPD Police Station 8 Commander P/Supt. Danilo Picana, kinilala ang sugatang pulis na si PO3 Arman Soliven, nakatalaga sa QCPD PS 8.

Habang ang arestadong holdaper ay nakilalang si Delfin Obana, 47, binata, nakatira sa No. 2B P. Tuazon Blvd., Bgy. Tagumpay, Quezon City.

Dakong 5:30 ng umaga nang holdapin ng mga suspek ang isang jeep sa P. Tuazon Blvd. Namataan ni PO3 Soliven ang pagbaba ng mga suspek at hinabol niya ang mga ito subalit nagpaputok ang mga suspek at tinamaan siya sa balikat at paa.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng naturang himpilan ng pulisya at naaresto si Obana habang nakatakas ang mga kasamahan niyang sina Ferdinand Tolentino, Tomas Fullier at isang hindi pa nakikilala.