Binatikos ng grupong Karapatan ang pagbibigay umano ng special treatment kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo matapos itong payagan ng korte na makalabas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) upang makapunta sa burol ng apo.

Sinabi ni Cristina Palabay, secretary general ng Karapatan, na responsable si Arroyo sa 1,206 extrajudicial killing at 206 enforced disappearance.

Aniya, ang espesyal na pagtrato kay Arroyo ay patunay na kinikilingan ng gobyerno ang mayayaman kaysa mahihirap dahil pinayagan itong makapunta at manatili nang siyam na oras kada araw sa isang linggo sa hanggang sa libing ng kanyang apo na pumanaw kamakailan.

Ginawang ehemplo ni Palabay ang kaso ni Andrea Rosal, anak ni dating New People’s Army (NPA) leader Gregorio “Ka Roger” Rosal, na namatayan ng anak sa loob ng piitan dahil sa kakulangan ng pasilidad.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Ngunit pinayagan lang ng korte si Andrea na manatili nang tatlong oras sa burol ng kanyang anak at hindi pa pinadalo sa libing.

Kasalukuyang naka-hospital arrest si Arroyo sa VMMC habang nahaharap sa kasong pandarambong matapos isangkot sa malawakang dayaan sa halalan noong 2004.