Mga Laro sa Sabado:

(Marikina Sports Center)

7 p.m. FEU-NRMF vs Cars Unlimited

8:30 p.m. Philippine National Police vs Hobe-JVS

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Binugbog ng Kawasaki-Marikina ang Philippine National Police, 88-63, at tinambakan ng Cars Unlimited ang MBL Selection, 83-66, noong Huwebes ng gabi sa pagpapatuloy ng 4th DELeague Invitational Basketball Tournament sa Marikina Sports Center sa Marikina City.

Gumawa ng 20 puntos si Ronald Roy at nag-ambag naman ng 14 si Francis Munsayac para pangunahan ang Kawasaki-Marikina sa una nilang panalo sa tatlong laro.

Nahulog naman sa 0-2 ang PNP at nabalewala ang 17 puntos at 8 rebounds ni Dennis Escalona para sa koponan.

Nanalo rin sa unang pagkakataon ang Cars Unlimited na pinamunuan ni Alvin Vitug na may 16 puntos sa laro. Nagdagdag naman ng 15 puntos at 8 rebounds si Ponso Gutladera at may 8 puntos at tig-6 na rebounds at shot blocks si JR Alabanza para sa koponan.

Nanatiling walang panalo ang MBL Selection ng Marist School sa ligang itinataguyod ni Marikina Mayor Del De Guzman at sinusuportahan ng PCA Marivalley, St. Anthony Hospital, PS Bank Blue Wave Marquinton Branch, Luyong Restaurant Concepcion, Mckie’s Equipment Sales and Rental, at Tutor 911.

Sa Sabado, muling masusubukan ang tikas ng Cars Unlimited sa pagsagupa sa FEU-NRMF habang magtatagpo naman ang PNP at ang nagdedepensang kampeon na Hobe-

JVS sa main game.

Para sa resulta ng mga laro, maaring bisitahin ang www.sports29.com o ang facebook page ng DELeague. Mabibili ang tiket sa halagang P10.00 lamang.