Muling pinahanga ng Project NOAH, ang National Operational Assessment of Hazards apps ng bansa, ang isang international awards body. Ang kanyang ARKO mobile application (app) ay nagwagi kamakailan ng 2014 World Summit Awards (WSA).
Tinalo ng ARKO, isa sa mga apps ng NOAH, ang 450 pang international mobile apps, para makuha ang hinahangad na WSA sa ilalim ng “m-Inclusion and Empowerment” category. Ang potentially life-saving mobile app ay gumagamit ng geo-location data mula sa mobile phones, at nagbibigay ng oras-oras na rain forecast at typhoon track markers.
May pagkakataon na ngayon ang ARKO na makopo ang Grand Champion sa kanyang kategorya na ang mga mananalo ay ihahayag sa isang global congress sa Abu Dhabi, United Emirates, sa Pebrero 1 hanggang 3, 2015.
Ang ARKO ay maaaring i-download sa Android at iOS smartphone. - Edd K. Usman