Mariin ang pagtutol ni Basilan Bishop Martin Jumoad sa isinusulong na “all-out war” ng gobyerno laban sa mga bandidong grupo sa Mindanao.

Ayon kay Jumoad, hindi all-out war ang solusyon sa kaguluhan sa rehiyon.

Ipinaliwanag pa ng obispo na ang paggamit ng karahasan ay maaaring magdulot lang lalo ng kaguluhan dahil maaaring makahikayat lang ito ng mas maraming rebelde.

“Those perpetrators or lawless elements … We can’t do anything about them, run after them… Finishing them all? I think that is not the solution because that will just add more problems. I think the government must act like a mother that will look for aid in order to win their trust and confidence to the calls of law,” pahayag ni Jumoad.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Sinabi pa ng Obispo na paulit-ulit na lang ang pangyarari sa Mindanao na senyales na hindi na akma ang armas para makamit ang inaasam na kapayapaan sa rehiyon.