BEIJING (Reuters) — Dapat pakawalan ng China ang 76 kataong idinetine sa mainland sa pagsuporta sa mga prodemocracy protest sa Hong Kong, bago ang pagsisimula ng summit sa susunod na linggo ng mga lider ng Asia-Pacific sa Beijing, giit ng rights group na Amnesty International noong Biyernes.
“APEC leaders must end their recent silence on the crackdown against mainland Chinese activists expressing support for Hong Kong pro-democracy protesters,” sabi ni Roseann Rife, East Asia Research Director ng Amnesty International.