Dalawang pulis na sinasabing utak sa panghoholdap sa P1.2 milyon bitbit ng isang company messenger habang bumibiyahe sa Macapagal Boulevard sa Pasay City ang nadakip sa follow-up operations.

Kinilala ni Pasay City Police chief Senior Supt. Melchor Reyes ang dalawang suspek na pulis na sina PO1 Ronald Villanueva, 33, ng Block 16 Lot 7 Croatia Street, Chera Nevada Subdivision, Cavite City; at PO1 Alas Noli Tiu Soliman, 33, ng Valenzuela City, kapwa nakatalaga sa Central Park Police Community Precinct 5 ng Pasay City police.

Sinabi ni Reyes na naaresto ang dalawang pulis sa follow-up operations matapos na mangholdap ang dalawang tauhan ng mga ito, dakong 4:30 ng hapon, sa Macapagal Boulevard corner Buendia Extension sa Pasay City.

Inamin nina Limuel Camposgrado, 28; at Alexander Pantoja, 32, kapwa taga-Gen. Trias, Cavite, na tatlong pulis ang namumuno sa kanilang grupo at ito ay sina Villanueva, Soliman at PO2 John Mark Mangueras.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nabigong maaresto ng pulisya si Manguera at pinaniniwalaang agad na nagtago matapos madakip sina Villanueva at Soliman.

Ayon sa pulis, idedeposito sa bangko ang P1.2 milyong cash na dala ni Jeffrey Rabe, 24, messenger ng Senubi Travel and Tour Company, nang holdapin ito nina Camposagrado at Pantoja. - Jean Fernando