Yen Santos

BILIB na bilib at puring-puri ni Yen Santos ang direktor nila sa Pure Love na si Ms. Ronnie Velasco.

“Napakagaling po niyang direktor, sobra. Sa set po kasi, ang daming kamera so maraming anggulo at ‘pag napanood mo, sobrang sulit lahat ng pagod kasi nakikita naman natin ang gaganda ng shots niya, ang galing niyang mag-motivate, sa mga nuisances… sobrang sipag na direktor.

“Kahit sa set, hindi ko pa siya nakitang natulog o umidlip, talagang tutok siya, detalyado siya sa lahat. At hindi niya ako nasigawan at wala siyang nasigawan. Mabait na direktor si Direk Ronnie, hindi siya nagmumura, wala. Chill lang siya.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa tingin ba ni Yen, kailangang murahin ng direktor ang mga artistang hindi makasunod sa instructions.

“Eh, siguro po kanya-kanya naman silang pagmo-motivate, pero para sa akin parang hindi naman kailangan kasi iba na ‘yun. Kahit na pagmo-motivate ‘yun, masama pa ring magsabi ka ng ganu’n sa kapwa mo,” punto ni Yen.

Loveless si Yen na career muna ang priority ngayon, pero hindi niya itinanggi na ex-boyfriend niya si Jason Abalos na karelasyon ngayon ng ex-PBB housemate (rin) na si Vickie Rushton. Biro nga namin sa dalaga, mahilig pala ang aktor sa produkto ng Pinoy Big Brother at magkahawig pa ang dalawang dalaga.

Inamin ni Yen na kasalanan niya kung bakit sila naghiwalay ni Jason dahil, “Bata pa po kasi ako that time, hindi pa ako seryoso, eh, siya (Jason) pala ay seryoso na, Pure Love pala,” tumawang sabi ng dalaga.

Pero kung sakaling bumalik si Jason at wala itong Vickie Rushton sa buhay niya, “Ayoko ko pong magsalita nang tapos, hindi ko po kino-close ang door ko.”

Hala, may chance pa pala Jason.

Hawig sina Vickie at Yen.

“Marami nga pong nagsasabi,” say ng dalaga.

Samantala, napanood na kahapon na nagising na si Diane (Alex) mula sa comatose dahil kumpleto na ang three pure love tears.

Ayon sa writer ng Pure Love, susundin nila ang pagtatapos ng original story ng koreanovelang 49 Days, pero dahil Pinoy audience tayo ay may konting twist at iyon daw ang kaabang-abang sa pagtatapos next week ng seryeng pinangungunahan nina Yen, Alex Gonzaga, Joseph Marco, Yam Concepcion, Aahron Villaflor, Ana Luna at Arjo Atayde mula sa unit ni Ginny Ocampo ng Star TV.