Dahil sa patuloy na banta ng pulitika at seguridad sa Yemen, inihayag ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa mga Pinoy na itinaas na sa Alert Level 3 (Voluntary Repatriation) mula sa Alert Level 2 (Restriction Phase) ang bansa.

Inaabisuhan ang lahat ng Pinoy na agad lisanin ang Yemen kasabay ng pagpairal ng deployment at travel ban kapwa sa mga magbabakasyon at magbabalik na Pinoy roon.

Nagpadala na ang Embahada ng Pilipinas ng Crisis Management Team (CMT) sa Sana’a na tututok sa sitwasyon at aalalay sa mga Pinoy sa Yemen.

Hinikayat ng Department of Foreign Affairs ang mga Pinoy sa Yemen na magparehistro para sa Voluntary Repatriation hanggang sa Nobyembre 30. Makukua ang registration form sa www.riyadhpe.dfa.gov.ph o maaaring kumontak sa CMT sa Movenpick Hotel Sana’a Berlin Street, Sana’a (+967 73 384 4958), Mr. Mohammed Saleh Al Jamal, Honorary Consul, Philippine Consulate sa Sana’a, Hadda Area, Damascus Street sa P.O. Box 1696, Sana’a, Yemen; telepono: +967 1 416751; fax: +967 1 418254; mobile: +967 777 2 555 11; email: honconsanaa@ philembassy-riyadh.org
National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands