SA question and answer portion ng finale presscon ng I Do, nabanggit ni Judy Ann Santos na may kanya-kanya silang pera ni Ryan Agoncillo, pero, "May intriga monthly.
Okay lang gumastos si Juday para sa mga sapatos at bags niya, dagdag pa ang mga gamit sa bahay na madalas niyang pagkagastusan.
"Naggo-grocery ako everyday! It's my therapy. Grocery and hardware," natawang banggit ng TV host.
Mas marami siyang gastos kaysa sa asawa dahil isa lang naman daw ang pinagkakagastusan ni Ryan.
"Hindi isyu kung bumili si Ryan ng kotse basta may intrega, para doon kukunin ang mga suweldo ng mga angels (kasambahay), the rest, sa joint account," kuwento ni Mrs. Agoncillo.
Sino ang may mas malaking share sa gastusin sa bahay?
"Basta may certain amount siyang dapat i-share at ganu'n din ako. Doon lahat nanggagaling 'yung sa tuition ng mga bata, insurances, 'tapos 'yung tira 'yun naman ang pang-travel namin."
Samantala dagsa na ang feedbacks na nakakarating sa amin kung sino ang gusto nilang manalo sa dalawang natitirang couples sa I Do. Almost 100% sa mga nagbibigay ng voluntary feedback ay sina Chad at Sheela ang choice. Tingnan natin kung tuluy-tuloy na ito, kasi baka naman tahimik lang ang followers nina Jimmy at Kring.
Nagbukas na ang botohan sa I Do noong Nobyembre 3 at magtatapos naman sa Sabado (Nov 8), sa Final Ceremony ng programa para tanghalin ang Grand Couple (ang magkakamit ng pinakamaraming boto). Aling couple kaya ang mas karapat-dapat at mas handa nang mag-I Do?
Para iboto ang paboritong couple, i-text lang ang I Do A para kina Chad at Sheela o I Do B para kina Jimmy at Kring at i-send ito sa 2331 para sa Globe, TM, Sun Cellular, at ABS-CBNmobile subscribers, at sa 231 para sa Smart at Talk 'N Text subscribers. Tanging 30 na boto lang para sa bawat couple ang maaaring ipadala ng isang SIM card kada araw.
May mga detalye kung paano bumoto online sa ido.abs-cbncom/vote.
Sa Sabado, mapapanood din kung paano nagbago ang relasyon ng dalawang Power Couples nang lisanin nila ang I Do village.
Dahil natutuhan ni Jimmy ang kahalagan ng pamilya sa I Do, pumunta na siya sa Korea kasama si Kring para bisitahin ang kanyang ina na mahigit isang dekada nang hindi niya nakikita. Abangan ang emosyonal na pagkikitang ito pati na rin ang side trip nila sa Korea.
Sina Chad at Sheela naman na dati ay walang plano para sa pinansiyal na aspeto ng kanilang pagsasama, nagbago at unti-unti nang umaasenso sa buhay dahil sa kanilang mga natutuhan sa village. Ngayon ay may negosyo na sila, kaya mas napatibay na rin ang kanilang relasyon at mga plano sa buhay.
Huwag ding palampasin ang mga eksena sa proposal nina Jimmy at Chad sa kani-kaniyang girlfriend. Paano kaya nila sinorpresa ang mga ito?
Samantala, nagpapasalamat si Judy Ann sa lahatng couples na nagbahaging kani-kanilang love story sa programa.
"Kahit sino man ang pangalanang Grand Couple at ikakasal ngayong November 15, masaya ako na bahagi ako ng success ng kanilang love story," aniya.
Hindi lang grand wedding ang mapapanalunan ng tatanghaling Grand Couple kundi pati na rin honeymoon package, negosyo package na nagkakahalagang Pl.5 milyon, home appliances, Pl milyon, at house and lot.
Abangan kung sino ang tatanghaling Grand Couple sa The Final Ceremony ngayong Sabado (Nov 8) at ang Grand Wedding na gaganapin naman sa susunod na Sabado (Nov 15) pagkatapos ng The Voice of the Philippines sa ABS-CBN.