IDINARAOS ang national Food Fortification Day tuwing november 7 bilang pagtalima sa Executive Order 382 na nilagdaan noong Oktubre 29, 2004. Ang food fortification, na programa ng gobyerno upang tugunan ang micronutrient deficiencies, lalo na sa mga buntis, nagpapasuso, at mga bata, sa pamamagitan ng pagdadagdag ng bitamina at mineral tulad ng iron, vitamin A, folic acid, at iodine sa mga pagkain upang mapaigting ang kanilang taglay na nutrisyon.
Nagpapatupad ang Department of Health (DOH) ng food fortification mula pa noong 1995. ipinakikita ng nutrition surveys na ang vitamin A deficiency, iron-deficiency anemia, at iodine-deficiency disorder ay mga suliranin sa kalusugan na maaaring maremedyuhan ng food fortification.
Hinihimok ang mga consumer na humanap ng mga produktong may Sangkap Pinoy Seal (SPS) sa tuwing bibili sila ng pagkain, lalo na para sa mga ina at mga bata na nabibilang sa most at-risk groups sa micronutrient deficiency. mayroong 139 processed food product na may SPS, 37% nito ay snacks.
Ang SPS program ay isang estratehiya ng DOH na humihimok sa mga pabrika na magfortify ng kanilang food products ng tatlong mahahalagang micronutrients - vitamin A, iron, at iodine. Ang fortified foods tulad ng fruit juices, fish and meat products, instant noodles, cheese products, at infant food ay magtaglay ng SPS sa sa kanilang packaging, na tumitiyak sa kanilang pagtalima sa fortification standards at good manufacturing practices.
Mahalaga ang micronutrients para sa paglaki, kalusugan at development. Ang deficiencies ay maaaring magresulta sa pagkabansot, kakulangan sa timbang, at mabagal na pag-iisip. Ipinakikita ng isang survey na 20.2% o dalawa sa sampung bata edad lima pababa ang kapos sa timbang at 33.6% o tatlo sa sampu ang bansot para sa kanilang edad.
Saklaw ng Philippine food fortification program ang lahat ng imported o locally processed foods o food products for sale o distributed sa bansa maliban sa dietary supplements; yaong para iluwas o para sa produksiyon ng iba pang food products, tulad ng beverages; brown rice at malagkit na bigas. nire-require sa mga manufacturer na mag-fortify ng kanilang mga produktong pagkain.
May mga batas na ipinatupad upang mapasigla ang food fortification tulad ng republic Act (RA) 8172 na nagpapalaganap ng salt iodization at rA 8976, ang Philippine Food Fortification Act of 2000, na nananawagan ng mandatory food fortification ng asin na may iodine, bigas na may iron, harina na may vitamin A at iron, mantika na may vitamin A, at asukal na may vitamin A, upang makatugon sa micronutrient deficiencies sa pagkaing Pilipino.