Ipapamahagi ngayong hapon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kabuuang P5.4 milyon na insentibo sa 15 pambansang atleta na nag-uwi ng medalya sa nakaraang 17th Asian Games sa Incheon, Korea.

Isasagawa muna ang send-off ceremony para naman sa 77 atleta na sasabak sa 6th Asian Beach Games sa Phuket, Thailand mula Nobyembre 14 hanggang 23 bago ang pamamahagi ng insentibo na nakasaad sa Republic Act 9064.

Ang okasyon ay pamumunuan ni PSC Chairman Richie Garcia at mga opisyal na mula sa PAGCOR.

Kabilang din sa bibigyan ng insentibo ang mga nagwagi sa Para-Games at ang dragonboat team na nagtagumpay sa ICF World Dragon Boat Championship.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Matatandaan na kumubra ng isang ginto, tatlong pilak at 11 tansong medalya ang mga atleta sa Asian Games habang may ibinulsa naman ang Para Games na 5 pilak at 5 tanso.

Una nang naibahagi ang P1 milyong premyo sa natatanging atleta na kumubra ng gintong medalya sa kada apat na taong Asian Games. Ito’y sa papamagitan ni Cycling-BMX Motocross Daniel Patrick Caluag.

Ipagkakaloob ang P500,000 insentibo ang mga nagwagi ng pilak sa katauhan ni men’s lightweight (60kg) Charly Suarez ng boxing at kina Daniel Parantac na humataw sa wushu men’s taijiquan at taijijian all-round at Jean Claude Saclag sa men’s sanda -60kg.

Ang humablot naman ng tansong medalya ay mula sa archery-compound men’s individual na si Paul Marton dela Cruz, Mark Anthony Barriga sa boxing (men’s light fly (46-49kg), Mario Fernandez sa men’s bantam (56kg), Wilfredo Lopez sa men’s middle (75kg) at Mae Soriano sa karate (women’s -55kg).

Namayani rin sina Benjamin Keith Sembrano sa taekwondo men’s -68 kg., Samuel Thomas Harper Morrison sa men’s -74 kg., Mary Anjelay Pelaez sa women’s -46 kg., Levita Ronna Ilao sa women’s -49 kg., Kirstie Elaine Alora sa women’s -73 kg. at Francisco Solis sa wushu (men’s sanda -56kg).

Umupak din sa Team Philippines sa Para Games sina powerlifters Adeline Ancheta at Acheli Guion, wheelchair dance sport Julius Obero at Rochelle Canoy, bowler Samuel Matias at Ian Kim Chi at ang discus thrower na si Marites Burce.

Nagkasya rin sa tanso ang swimmer na si Ernie Gawilan na kumubra ng tatlo habang tig-isa sina table tennis ace Josephine Medina at cyclist Arthus Bucay.