TALAVERA, Nueva Ecija— Nagmistulang Green Revolution noong panahon ng administrasyong Marcos ang pinalawak na organic farming sa bayang ito sapul nang manungkulan si Mayor Nerivi Santos-Martinez na nagpatingkad sa kanyang inisyatibong mapayabong ang paggugulayan sa 53 barangay.
Inilunsad noong Agosto, isinusulong ng “Gulayan sa Barangay, Paaralan at Bakuran” ang organic farming sa mga barangay hall, tabing-kalsada, eskuwelahan, kabahayan, partikular sa mga bakanteng lote.
Ayon kay Mayor Martinez, nagsimula sa Himlayang Bayan sa Poblacion ng bayang ito, nang matuklasan ni dating three-termer Mayor Nerito Santos na mataba ang lupa dito at nagpoprodukto ng matataas na uri ng gulay na gaya ng sitaw, talong, kamatis, upo, patola, papaya at iba pa.