Nagtala kahapon ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nakabase sa Baguio ng pinakamababang temperatura ngayong buwan ng Nobyembre. Napag-alaman sa weather bureau ng PAGASA na bumaba pa sa 14.2 degrees Celsius ang temperatura sa summer capital ng Pilipinas, ang Baguio City.
Habang kamakalawa ng hapon, naitala ng city of pines ang 16.5 degrees Celsius na temperatura na mas mababa pa ng dalawang sintegrado sa mas mataas na lugar sa Benguet.