Nagpamigay ng maagang pamasko sa may 4,000 miyembro ng Manila Police District (MPD) si Manila Mayor Joseph Estrada kamakalawa.

Tumataginting na P39-milyong pondo para sa special allowance sa loob ng apat na buwan ang ibinigay ni Erap para sa mga pulis, na una niyang pinangakuan na bibigyan ng P2,500 additional allowance kada buwan .

Bukod pa rito ang 10 bagong motorsiklo na maaaring gamitin ng mga pulis sa pagsugpo sa kriminalidad.

Maging ang non-uniformed personnel ay nabiyayaan din ng maagang aginaldo ng alkalde matapos na pagkalooban ng orange card.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Una nang nagkaloob si Erap ng 10 mobile patrol at mahigit 50 Segway scooter sa MPD para sa pagpapatupad ng police visibility patrol.

Ang pondo ay mula sa special activities fund sa ilalim ng non-office expenditures ng Manila City Hall.

Bilang pasasalamat, iprinisinta naman ng MPD sa alkalde ang kanilang accomplishment tulad ng mga narekober na carnapped vehicle, motorsiklo at sunod-sunod na pagkakaaresto ng mga most wanted person.