Miami Heat's Mario Chalmers (15) drives between Charlotte Hornets' Brian Roberts (22) and Jason Maxiell (54) during the second half of an NBA basketball game in Charlotte, N.C., Wednesday, Nov. 5, 2014. The Hornets won 96-89. (AP Photo/Chuck Burton)

CHARLOTTE, N.C. (AP)- Nakita na rin sa wakas ng Charlotte Hornets kung paano talunin ang Miami Heat.

Naglaro sila na wala sa hanay ng Heat si LeBron James.

Ang Charlotte ay bokya kontra sa Heat sa panahon noon ni James, nabigo ng 16 sunod na regular-season games bago winalis sa unang round ng Eastern Conference playoffs ng Miami noong nakaraang season.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ngunit ngayong nasa Cleveland Cavaliers na si James, umiskor si Al Jefferson ng season-high 28 puntos at 10 rebounds kung saan ay natsambahan na rin ng Charlotte ang Miami via 96-89 panalo kahapon.

Wala ni isa man sa Charlotte locker room ang tumalo sa Heat bilang miyembro pa noon ng Bobcats.

‘’It’s good to get the monkey off our back,’’ saad ng fourth-year point guard na si Kemba Walker, taglay ang 0-for-16 laban kay James, kasama na ang postseason.

Habang wala pa rin si Chris Andersen sanhi ng tinamo nitong rib injury,’di nakatugon ang Heat kay Jefferson sa mabagal na poste.

Itinapat nila sina Shawne Williams at Justin Hamilton kay 6-foot-9, 289-pound center, ngunit ipinagpatuloy ng Hornets ang pagatake kung saan ay nagtala si Jefferson ng 13-of-25 mula sa field.

‘’I feel like Birdman is a guy who does give me a challenge because he’s a little taller, but all of the guys out there today I felt like I had an advantage,’’ pahayag ni Jefferson.

Taglay sa ngayon ni Jefferson ang double digits sa 30 sunod na regular-season games, mula pa noong nakaraang season. Nagsalansan ito ng ‘di bababa sa 20 puntos mula sa 23 mga laro.

Dala ng third-team All-NBA selection ang kanyang mga taktika.

Tumanggap si Jefferson ng foul sa kanyang wrist mula kay Williams sa third quarter kung saan ay nagdasal muna ito upang hilingin na maibuslo nito ang bola. Nahirit nito ang three-point play.

Inasinta ni Walker ang 16 puntos at 7 assists, habang muling nagsagawa ng solidong laro si Cody Zeller na taglay ang 13 puntos at 8 rebounds para sa Hornets (2-3), tinapyas ang three-game losing streak.

Ipinoste ni Chris Bosh ang 23 puntos at 13 rebounds sa Miami (3-2). Ito ang ikalimang sunod na 20-point game ni Bosh upang buksan ang season. Nag-ambag si Dwyane Wade ng 23 puntos sa Miami, nabigo sa back-to-back games matapos na simulan ang season sa 3-0.

Sinabi ni Heat coach Erik Spoelstra na ikinatuwa niya ang ikinilos ni Wade.

‘’I’ve been very encouraged by his commitment,’’ pahayag ni Spoelstra.

Napag-iwanan ang Hornets sa 57-56 sa huling bahagi ng third quarter bago muling ibinalik ni Walker ang kalamangan matapos ang pares ng free throws habang inasinta ni rookie P.J. Hairston ang 3-pointer mula sa kaliwang bahagi ng korte, nakatulong sa 21-7 run ng koponan.

Mas ginamit ni Spoelstra si rookie point guard Shabazz Napier kaysa kay Norris Cole, kinapos sa field at umiskor lamang ng 2 puntos sa kanyang 1-of-6 sa shooting. Ang driving layup ni Napier sa nalalabing 2:07 sa laro ang tumapyas sa kalamangan ng Charlotte sa 88-85.

Ngunit itinarak ni Walker ang 3-pointer sa harap ni Napier, ang kanyang dating Connecticut teammate, sa kanang wing upang ibigay sa Hornets ang magandang kalagayan.