Tinapos ng Generika ang kinalawang na panimula bago nagsagawa ng ‘killer blows’ hanggang sa huli upang umarangkada sa masterful 15-25, 25-22, 25-20, 25-15 conquest laban sa Foton sa pagpapatuloy ng 2014 Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix na iprinisinta ng Asics sa Cuneta Astrodome noong Miyerkules ng hapon.

Sa pamamagitan ng pag-atake ni Russian reinforcement Natalia Korobkova, ‘di na napigilan pa ang Life Savers sa huling dalawang sets upang dispatsahin ang Tornadoes kung saan ay napasakamay nila ang unang panalo sa tatlong panimula sa women’s division sa prestihiyosong inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core kasama ang Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

Ang seasoned international campaigner na nakita sa competitive action sa United States, Turkey at Italy, itinarak ni Korobkova ang 16 kills at 5 blocks upang tumapos na mayroong 21 puntos habang nag-ambag ang local hitters na sina Stephanie Mercado at Abigail Marano ng 10 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod, para sa Life Savers na sadyang nakatutok sa panalo upang mapahanay sa mga leader na Petron, Cignal HD at RC Cola-Air Force.

Nagpamalas din ng kanilang presensiya sina bench players Divine Eguia at ang kaakit-akit na si Michelle Gumabao.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“It’s good that the bench players stepped up,” saad ni De Jesus, sadyang ikinagalak ang signipikanteng ipinagkaloob ng kanyang shock troopers. “Good things will happen if they keep on playing like that. Volleyball is a team game. Hindi pwedeng isa o dalawang tao lang ang magtrabaho. Everybody should step up and deliver.”

Ang tanging nawala sa hanay ng Generika ay ang sluggish performance ng 19-anyos na setter na si Miyu Shinohara, nakapagrehistro lamang ng 28 excellent sets.

“We know that Japanese setters have a different system compared to Russians,” giit ni De Jesus. “Sa Japan kasi, more fast plays and low sets. E ‘yung import namin from Russia gusto puro high ball, so nahihirapan yung setter. Hindi pa siya masyadong consistent sa magse-set ng high ball.”

Ngunit ang sluggish playmaking ay matinding factor din, lalo na kung aalalayan siya ni Korobkova upang ipamalas nito ang dominanteng laro kontra sa Foton defenders. Sa katunayan ay lamang pa ang Foton sa pag-entra sa unang technical timeout sa fourth set, 8-6, nakipagsanib-pwersa si Kurobkova kina Mercado at Marano upang papag-alabin ang kanilang paghahabol at ibigay sa Life Savers ang 16-11 lead.

Mula doon ay ‘di na lumingon pa ang Generika kung saan ay nagpatuloy ang kanilang dominasyon para sa napakalaking kalamangan sa 23-12 advantage bago umiskor sa pamamagitan ng double-block upang pormal na iselyo ang panalo.