Ni JC BELLO RUiZ

Hindi pa rin sinipot ni Vice President Jejomar C. Binay ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Teofisto “TG” Guingona III.

At sa halip, nagtungo ang bise presidente sa Cebu kung saan ito nakipagpulong sa ilang opisyal ng mga lokal na pamahalaan at nakihalubilo sa maralitang grupo sa pananghalian.

“Ito ay magbibigay ng maling batayan sa hinaharap, kung saan ang Pangalawang Pangulo, ang pangalawang pinakamataas na opisyal na bansa, ay maaaring ipatawag sa mga pagdinig ng ilang mga senador,” pahayag ni Binay sa kanyang liham sa komite.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Tulad na nangyari sa mga unang pagdinig sa umano’y overpriced Makati City Hall Building 2, nangangamba si Binay na hindi rin pakikinggan ng ilang mga senador ang kanyang paliwanag na kumokontra sa kanilang kongklusyon na siya ay nagkasala.

“Tiniyak mo sa iyong sulat na kung ako ay haharap sa Senado, gagawaran ako ng patas na pagdinig at bibigyan ng respeto na angkop sa aking posisyon bilang Pangalawang Pangulo ng bansa.

Ngunit may mga pangyayari sa nakalipas na mga araw na nagbigay sa akin ng pagdududa at agam-agam, lalo na ang mga inasal nina Senador (Antonio) Trillanes at (Alan Peter) Cayetano,” dagdag ni Binay.

Subalit hindi pinayagan ng Blue Ribbon Committee na basahin ni Atty. JV Bautista at Navotas Rep. Tobias Tiangco bilang mga kinatawan ni Binay ang kalatas ng pangalawang pangulo base sa resulta ng botohan ng mga miyembro ng komite.