Humiling ang Commission on Elections (Comelec) ng budget sa halagang P35 bilyon para sa pagdaraos ng 2016 presidential elections, ngunit binigyan lamang ng P16.9 bilyon mula sa Department of Budget and management (DBM). Dahil dito, limitado ang pagkilos nito, ayon sa mga opisyal ng Comelec.

Gagamitin na lamang nito ang 80,000 Precinct Counting Optical Scan (PCOS) machine na taglay na nito, matapos gamitin ang mga iyon sa 2010 at sa 2013 elections. Karamihan sa mga iyon ay kailangan nang kumpunihin matapos ang matagal na panahon ng pagkakatago at kailangang ikontrata ang trabaho ukol doon. Mangangailangan din ang Comelec ng karagdagang PCOS machine para sa lumagong populasyon ng mga botante.

Nagdaos ang Comelec ng pre-bidding conference noong isang araw kaugnay ng plano nitong umupa ng karagdagang voting machine. inilahad na nito na ang eligibility requirements para sa mga bidder ay iaanunsiyo sa Disyembre 4 kasama ang technical requirements.

Ganito kaaga pa lamang, may tumutol sa sa pagpasok ng Smartmatic, ang service provider sa nakaraang dalawang automated election, sa bidding na binabalak ng Comelec. Ang pagkilos na harangin ang Smartmatic ay nag-ugat sa mga reklamo tungkol sa accuracy ng mga resulta sa mga nakaraang automated election.

National

Kahit nagpapagaling: Doc Willie Ong, pinapanalanging maging maayos na sina PBBM at VP Sara

Hinamon ng isang tagapagsalita ng Smartmatic Philippines ang mga kritiko na idaan sa Supreme Court ang pagharang dito na sumali sa public bidding. Anito, na maraming beses nang na-audit ang mga resulta noong nakaraang dalawang eleksiyon at napatunayan nang accurate ang system. Mayroong sapat na audit features ang system na nagpapahintulot sa sinuman na suriin ang accuracy ng mga resulta, dagdag pa nito.

Gayunman, naroon pa rin ang mga pagdududa – hindi lamang sa Smartmatic, kundi pati na rin sa automated elections sa pangkahalatan. nakaangkla ang mga pagdududa sa kakulangan ng transparency. Sa pagtatapos ng halalan, isang PCOS machine ang biglang nagbuga ng mga resulta. At yaong mga may alam sa mga computer ay nagsasabi na maaaring maprograma ang voting machines na maglabas ng kahit na anong gustuhing resulta.

Kaya may gumiit na magsagawa na lamang ng manu-manong pagbibilang ng mga balota sa bawat presinto. ito ang ginawa noon sa mga eleksiyon bago ang 2010 at ang lahat ng komunidad ay nangagkatipon upang pagmasdan ang mga kaganapan; iyon ang pagkilos ng demokrasya ng Pilipinas. Ang precint results ay maaaring gamiting basehan para sa recount kung sakaling may magprotesta. Maaari rin itong ipadala electronically sa town centers at sa huli sa national center, kung kaya mabilis na natamo ang mga resulta.

Tinawag itong “open election system” – ang manu-manong pagbibilang na may electronic transmission ng mga resulta. Hindi ito mangangailangan ng malaking budget – ang kakarampot na inaprubahan ng DBM ay sapat na. At makatutulong ito mapanumbalik ang tiwala ng sambayanan sa elections results.