Tinatayang 42 pamilya ang nagalsa balutan bunsod ng labanan ng mga militar at miyembro ng New People’s Army (NPA) guerilla Front 73 sa Maasin, Sarangani province, iniulat ng pulisya kahapon.

Apat na rebelde ang kumpirmadong patay sa naturang pakikipagsagupaan sa tropa ng Philippine Army sa Bgy. Nomo, Maasim, Sarangani province.

Sinabi sa report ni Senior Insp. Rexsor Canoy, hepe ng Maasim Municipal Police Station, ang mga lumikas na pamilya ay pansamantalang nanunuluyan sa barangay hall at hinihintay ang hudyat ng militar kung kailan sila maaaring umuwi sa kanilang mga bahay.

Patuloy ang pagtugis ng mga sundalo sa mga rebeldeng grupo sa ginawang pangha-harass noong miyekules sa nasabing lugar.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ng pulisya na umabot sa 10 armas ang narekober at dinala na sa General Santos City ang bangkay ng mga rebelde.