Idinagdag ng host Pilipinas ang wushu sa mga piling disiplinang paglalabanan sa taunang ASEAN Schools Games (ASG) sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 7.

Ito ang inihayag ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Tonisito Umali sa paglulunsad ng ikaanim na edisyon ng ASEAN Schools Games sa Club Filipino kung saan ay iprinisinta rin ng organizers ang mascot, logo at ang theme song ng torneo.

“The ASEAN Schools Games (ASG) is an annual sporting event which aims to enhance friendship among students around the region. It also seeks to promote ASEAN solidarity among the youth through school sports and provide opportunities for school athletes to engage in cultural exchange,” sinabi ni Umali.

Kabuuang 1,593 kabataan ang nagkumpirma ng kanilang paglahok sa torneo sa pangunguna ng Indonesia (254), Thailand (266), Singapore (259), Malaysia (267), Brunei (157), nagtatanggol na kampeong Vietnam (118) at ang host Pilipinas na may pinakamaraming lahok na 272 atleta.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ipiprisinta naman ng mga tinanghal na record breaker at pinakamahuhusay na batang atleta sa nakalipas na Palarong Pambansa sa Laguna ang kampanya ng Pilipinas.

Matatandaan na huling lumahok ang Pilipinas sa ginanap na 5th ASEAN Schools Games sa Hanoi, Vietnam kung saan nakapag-uwi ang delegasyon ng 3 tansong medalya sa boys’ volleyball, girls’ basketball at boys’ javelin throw sa katauhan ni Bryan Jay Pacheco.

Nagawang burahin ni Pacheco ang Palarong Pambansa record at maging ang personal best nito sa event. Una nang binura ni Pacheco ang Palarong Pambansa record sa shot put.

Ilan sa paglalabanang sports ay ang track and field, swimming, basketball, badminton, gymnastics, table tennis (ping pong), at volleyball. Kabilang din ang sepak takraw (kick volleyball) at pencak silat (martial arts).

Gaganapin naman ang ilang mga laro sa Marikina City Sports Complex, ang athletics sa PhilSports Arena habang ang gymnastics ay sa Rizal Memorial Gymnastics Center.

Napasakamay ng Vietnam ang overall title sa tinipong 50-27-23.

Sa kabuuan ay mayroon pa lamang na 1 ginto, 4 pilak at 9 tansong medalya ang Pilipinas sa torneo.