SEOUL (Reuters)— Hindi sapat ang ibinibigay ng mga bansa sa Asia sa pandaigdigang pagsisikap para malabanan ang Ebola, sa kabila ng pagkakaroon ng maraming trained medical personnel na makatutulong sa pagkalat ng nakamamatay na virus, sinabi ni World Bank Group president Jim Yong Kim noong Martes.

Libu-libong healthcare workers ang kinakailangan para tumulong sa paglaban sa pinakamapinsalang outbreak ng Ebola simula noong 1976. Ang virus ay pumatay na ng halos 5,000 katao, karamihan ay sa mga bansa sa West Africa partikular sa Liberia, Guinea at Sierra Leone.

“Many countries in Asia who could help simply are not, especially when it comes to sending health workers,” ani Kim sa isang news conference sa Seoul. “I call on leaders across Asia to send their trained health professional teams to the three West African countries.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho