Nagpasya ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na gamitin ang kategoryang “super typhoon” sa susunod na taon.

Ayon sa PAGASA, hanggang sa kasalukuyan ay “typhoon” lamang ang sukatan ng nasabing ahensya.

Inihayag ng ahensya na kapag pumalo sa 220 kilometro kada oras (kph) o higit pa ang lakas ng hangin malapit sa gitna ng isang bagyo, pasok na ito sa “super typhoon.”

“Kapag talagang nagkaroon na tayo ng parang word na “super”, talagang magiging aware ‘yung ating mga kababayan sa impact nitong napakalakas na bagyo,” paliwanag ni PAGASA weather specialist Fernando Cada.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ikinatwiran nito upang hindi rin sila malito o magkaro’n ng confusion kung bakit ang PAGASA ay hanggang “typhoon” lamang samantalang sila ay “super typhoon” at bakit ang PAGASA walang “super typhoon” category.

Ang “Yolanda” noong 2013, ang pinakamalakas na bagyong tumama sa kalupaan sa kasaysayan. Nasa kategoryang super typhoon ito sa tala ng international weather agencies.