Inatasan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Region 6 ang isang kilalang resort na lisanin ang inookupang kakahuyan sa Boracay Island sa Malay, Aklan.

Sinabi ni DENR-6 Regional Director Jim Sampulna na pinaaalis na ang Boracay West Cove sa pampublikong timberland area matapos kanselahin ng DENR ang 25-taong Forest Land Use Agreement for Tourism Purposes (FLAgT).

Gayunman nilinaw ni Sampulna na hindi pa maipatupad ang pagpapaalis sa resort dahil naghain ang Boracay Island West Cove Management Philippines, Inc. (BIWCMPI) ng motion of reconsideration sa DENR-Central Office sa Quezon City.

Matatandaang Setyembre 12 ngayong taon nang ipalabas ni DENR Undersecretary Demetrio Ignacio Jr. ang kanselasyon ng FLAgT dahil sa iba’t ibang paglabag na pangkalikasan. - Tara Yap

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'