INDIANAPOLIS (AP)- Tapos na ang road skid ng Milwaukee, at ipinagpapasalamat ito ng Bucks sa unang panalo sa Indiana matapos ang nakalipas na apat na taon.

Nagtala si Brandon Knight ng 23 puntos at 7 rebounds, kung saan ay naisakatuparan nito ang nakalululang buslo sa nalalabing 22 segundo, upang talunin ng Bucks ang Pacers, 87-81, kahapon at tuluyan nang tapyasin ang 16-game road losing streak.

Tumapos si Giannis Antetokounmpo na mayroong 11 puntos para sa Bucks, ‘di pa nagwawagi sa pagdayo simula pa noong Pebrero at may walong kakulangan na lamang upang ipatas ang may pinakamahabang road skid sa kasaysayan ng prangkisa na naitakda noong 1992.

‘’I think the guys in the locker room see the things we’ve gone through early, giving up leads, not finishing games and having turnovers on the road. Being able to address those, build on them, make it a positive and finally get a win on the road was great,’’ pagmamalaki ni Bucks coach Jason Kidd.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hindi pa nananalo ang Milwaukee sa Indianapolis simula pa noong Nobyembre 5, 2010, ngunit ang depensa ng Bucks ay mas naging balakid sa Pacers team na labis na ikinadismaya ng kanilang mahuhusay na manlalaro.

‘’We forced them to shoot a lot of perimeter shots. We forced them to take off-balance shots. We tried to make them drive and get extra help, force them to Larry (Sanders) and I thought we did a good job of that,’’ ayon kay Bucks rookie Jabari Parker.

Itinala ng Pacers 39.7 percent sa shooting na wala sa hanay sina starters George Hill (bruised left knee), David West (sprained right ankle) at Paul George (fractured leg).

‘’We need to play better, we know that,’’ pahayag ni center Roy Hibbert. ‘’We haven’t put together a full game yet. It’s something we’ve got to learn from. We have the firepower to get back in the game. I just want to see everybody healthy.’’

Umungos ang Milwaukee sa 43-38 sa unang half at binuksan ang third quarter na kaakibat ang 10-0 run. Umatake ang Bucks ng mahigit pa sa 17 puntos na kalamangan. Umiskor si Chris Copeland ng 10 sa kanyang 19 puntos sa third quarter upang tulungan ang Indiana na maghabol tungo sa 69-61 iskor.

Namuno ang Bucks sa 11 puntos sa fourth quarter ngunit ginamit ng Indiana ang lakas mula sa huling 10-2 run upang lumapit sa 3 puntos na pagka-iwan na lamang. Kasama na rito ang 3-pointer ni Copeland sa nalalabing 42 segundo. Sumagot naman agad si Knight mula sa kanyang 21-footer upang muling lumayo ang Bucks.

Nagposte si Hibbert ng 16 puntos at 7 rebounds ngunit nalimitahan lamang sa 4 puntos sa ikalawang half.

TIP-INS

Binigo ng Bucks ang Pacers sa unang pagkakataon simula pa noong Dec. 18, 2012. Ito ang kanilang ikatlong panalo kontra sa kanilang Central Division foes matapos noong Dec. 8, 2010.

Taglay ng Pacers ang 1-of-10 mula sa 3-point range sa unang half.

Nahadlangan ang Indiana na walang puntos sa paint sa unang quarter.

ANOTHER GOOD KNIGHT

Si Knight ay may average 26 points sa tatlong mga laro kontra sa Pacers noong nakaraang season, nasa ranggong ikapito para sa liga

MILES AWAY

Naimintis ni Pacers guard C.J. Miles, nagsimula sa injury-depleted backcourt, ang lahat ng walong buslo sa loob ng 29 minuto. Taglay nito ang 14-for-50 (28%) mula sa field sa season na ito.

‘’I’m not overpressing, I’m not doing anything outside of what I do,’’ pahayag ni Miles. ‘’My teammates have found me and I’m open, I’ve just got to knock them down. That’s pretty much it. There’s no secret to it, no science.’’