Filipino Values Month ang Nobyembre, alinsunod sa Presidential Proclamation 479 na inisyu noong Oktubre 7, 1994, upang lumikha ng kamalayang moral at pambansang kaalaman sa human values na positibong Pilipino. Ang kulura, kaugalian, at mga huwarang Pilipino ay nakaangkla sa apat na haligi: Maka-Diyos, makatao, makabayan, at makakalikasan.

Mahalaga ang tungkulin ng kaugalian sa pagpapangat ng pamumuhay ng mga Pilipino. Hinahangaan ang mga Pilipino sa buong mundo dahil sa kaugaliang iniingatan at pinahahalagahan nila. Kilala ang Pilipino bilang may takot sa Diyos, masipag, makatao, makabayan, magiliw, mapagmalasakit, mapagbigay, magalang, mapag-aruga, malaki ang pagmamahal sa pamilya at may matibay na etika sa trabaho.

May mga kaungaliang naikintal na mula pagkabata, at hindi nagbabago iyon. Nalilinang ito mula sa kanilang karanasan sa mga taong mahalaga sa kanila, partikular na ang mga magulang, guro, kamag-anak, at mga kaibigan. Nangunguna ang pamilya sa pagkintal ng mabuting kaugalian sa bata. Ang mga bata ay tinuturuang magsabi ng “po” at “opo” sa mga nakatatanda at nagmamano bilang respeto. Ang “bayanihan” ay matibay sa mga Pilipino, tumutulong sa sandali ng pangangailangan. Maraming pamilya ang humihinto sa kanilang aktibidad pagsapit ng 6:00 ng gabi at nananalangin par sa Angelus.

Lalong pinatitibay ng mga paaralan ang kaugalian sa pagkakaloob ng mga oportunidad sa kanilang mga mag-aaral na ibahagi sa iba ang kaugaliang kanilang natutuhan sa loob ng tahanan. Itinataguyod ng mga institusyon ang values education sa educational system upang malinang ang mga mag-aaral na nakatalaga sa pagpapaigting ng isang makatarungan at makataong lipunan at isang maunlad na bansa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang value system ng Pilipino ay nakaugat sa personal na pakikipag-agapayan, na halos nakabase sa pagkakamag-anak, obligasyon, pagkakaibigan, ugnayang espirituwal, at relasyon sa negosyo, na nakatutulong sa pananatili ng pagkakaisa ng lipunan. Mahala ang mabuting kaugalian sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Ang kaugaliang ito ang nagpapangat sa atin sa ibang bansa.