Iniutos na ng Office of the Ombudsman na sampahan ng kasong kriminal sa Sandiganbayan ang isang opisyal ng National Electrification Administration (NEA) kaugnay ng pagso-solicit nito ng P1.5 milyon sa Cotabato Electric Cooperative, Inc. (Cotelco) noong Mayo 2010.

Sa isang joint resolution, binanggit ng Ombudsman na nilabag ni Republic Act 6713 NEA Acting Department Manager for Legal Services Omar Mayo ang Republic Act 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees).

Tinukoy ng anti-graft agency na tumanggap si Mayo ng salapi sa nasabing kooperatiba, na nasa ilalim ng regulatory at supervisory authority ng NEA.

Binanggit na ang nasabing salapi ay idineposito sa personal bank Cabrerosaccount ni Mayo sa UnionBank.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Natuklasan din sa imbestigasyon na tumanggap din si Mayo ng cash advance sa Cotelco na aabot sa P28,200.00.

Hindi rin binigyan ng bigat ni Ombudman Conchita Carpio-Morales ang alegasyon ni Mayo na ang nasabing salapi ay kumakatawan sa litigation costs na nagsisilbing advanced payment nito sa isang legal counsel kaugnay ng kasong may kaugnayan sa prangkisa ng Cotelco.

Bukod dito, napatunayan din ng Ombudsman na nagkasala si Mayo sa kasong administratibo at pinatawan ito ng pagkakasibak sa serbisyo, kaakibat nito ang pagkansela sa kanyang eligibility at wala rin itong matatanggap na benepisyo sa kanyang pagre-retiro, at pinagbabawalan na ring makakuha ng anumang trabaho sa pamahalaan.