BLOCKBUSTER ang unang Moron 5 na idinirihe ni Wenn Deramas for Viva Films, dahil pinatawa nito nang husto ang mga manonood.

Gumawa ngayon ng sequel si Direk Wenn at ang Viva na pinamagatan ng Moron 5.2 The Transformation at base sa mga tawanang pumuno sa Cinema 9 ng SM Megamall sa premiere night -- na dinaluhan ng mga bidang sina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, DJ Durano at Matteo Guidicelli, hindi kami magtataka kung magiging blockbuster na naman ito o higit pa. Hindi nakadalo sa premiere si John “Sweet” Lapus na rumaraket pa sa Canada show ng Kapamilya stars.

Kung gusto ninyong tumawa at kalimutan muna ang mga problema, inirerekomenda namin ang Moron 5.2 The Transformation.

Walang pretensiyon ang pelikula at si Direk Wenn na purihin ang story na series ng mga kalokohan ng limang moronic friends and their misadventures. Mukhang hindi na kinailangan ang script dahil anything goes ang kabaliwan ng lima. Kanya-kanya silang adlib. Nagpatawa lang sila at kasali sa pagpapatawa ang past presidents natin from Cory Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo at maging si President Noynoy Aquino na kumuha sila ng kamukha pero mataba at ubo nang ubo sa eksena.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nakatuwaan din nila si Direk Wenn at ang unang dinirek nitong Moron 5. Tawa rin kami nang tawa kay Sweet bilang Becky Pamintuan na ilang beses tumakas sa mental hospital at kahit anong gawin ay laging nahuhuli at muling ibinabalik sa kulungan ng doctor niyang si Karla Estrada. Naroon din si John Santos as Mommy Vi ni Luis at lola naman niya si Divina Valencia na may nunal tulad ni Nora Aunor at siyempre pa, magkaaway ang magbiyenan.

Kahit ang sarili ng limang bida ay pinagtawanan nila, pero pinakanagamit ang experience recently ni Billy, na nakulong, at nagwawala sa pelikula tuwing nababanggit iyon. Totoo ring kitang-kita ang katabaan ni Billy habang sinu-shooting nila ang movie. Totoong-totoo na nagalit siya kay Matteo na siya raw may kasalanan ng lahat kaya siya napresinto.

At si Matteo, hindi pinigilan ni Direk Wenn na ngumiti at tumawa tuwing babanggitin ng apat na papogi points ang ginagawa niya sa eksena para sa girlfriend na si Sarah Geronimo. Halata rin ang Cebuano intonation ni Matteo pero hindi iyon iniwasan ni Direk Wenn.

Kahapon nagsimula ang showing ng movie in cinemas nationwide at magugulat na lamang kayo kung sino ang katambal ni Matteo sa movie, sino nga ba si Sarah Joy?

Si Luis kasi, napangasawa si Yam Concepcion, si Billy si Danita Paner, si Marvin si Nikki Valdez at si DJ Durano, si Mylene Dizon. Nagkaroon din ng matatalinong anak ang apat except for Matteo na kunwari ay may hawak na baby.

Mas maganda rin na pinagsuot sila ng superhero costumes ngayon kaysa noong unang Moron 5, na kung anu-anong costume as disguise. Maganda rin ang mga suot na damit ni Becky Pamintuan na ginaya sina Kris Aquino at Annabelle Rama sa pagsasalita. Kaya mag-enjoy na kayong panoorin ang Moron 5.2 The Transformation na mukhang ginastusan din ng malaki ng Viva Films.