TERNATE, Cavite – Tatlong tauhan ng Philippine Marines at isang sibilyan ang napatay habang limang iba pa ang sugatan nang mahulog ang kanilang sinasakyang M-35 six-by-six military truck sa isang bangin malapit sa Marine Base Headquarters sa bayan na ito kahapon ng umaga.

Hindi muna pinangalanan ni Senior Supt. Joselito T. Esquivel Jr., director ng Cavite Provincial Police Office, ang mga biktima habang hindi pa naipararating ang impormasyon sa kaanak ng mga ito.

Ideneklarang dead-on-the-spot ang tatlong sundalong Marines at isang sibilyan habang ang limang sugatan ay dinala sa San Lorenzo Hospital ng mga pulis at residente.

Sinabi ni Esquivel na nangyari ang aksidente dakong 9:12 ng umaga. Ayon pa sa pulisya, nasa 40 hanggang 50 talampakan ang lalim ng bangin kung saan bumagsak ang truck. - Anthony Giron
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso