Habambuhay na pagkabilanggo at multang P1 milyon ang ipinataw na parusa ng Pasig City Regional Trial Court laban sa isang drug pusher na wanted pa rin ng awtoridad.
Sa 15-pahinang desisyon ni Judge Achilles Bulauitan, guilty si Abulkair Luminog, alias “Mayor Sultan”, ng 112 Adelaide St., Greenpark Subdivision, Barangay Manggahan, Pasig City sa paglabag sa Comprehensive Anti-Dangerous Drugs Law. Natagpuan sa bahay nito ang may 998.4933 gramo ng shabu at paraphernalia, anim na taon nang nakararaan. Hindi naaresto si Luminog at nagtago sa batas kaya binasahan ng desisyon in absentia at ngayo’y target ng awtoridad na arestuhin.
Samantala, inihayag ni Eastern Police Distric Office Director, Chief Supt. Abelardo Pacis Villacorta na pursigido ang kanilang kampanya para maputol ang supply at demand ng droga bilang pinakabisang hakbang laban sa ilegal na droga.