Umapela kahapon si Manila 1st District Rep. Benjamin “Atong” Asilo sa pamahalaan na i-relocate ang may 1,500 informal settlers sa Estero Dela Reyna at Estero De Vitas sa Tondo 1 sa bagong gusali sa Smokey Mountain sa halip na sa iba pang relocation sites sila patirahin.

Ang informal settlers families ay nakatakdang i-relocate ng pamahalaan sa mga lalawigan.

Ayon kay Rep. Asilo, Vice Chairman ng House Committee on Housing, “hindi nagtatagumpay ang relokasyon ng informal settlers families dahil sa kakulangan ng pasilidad sa mga relocation sites, katulad din ng hanapbuhay, paaralan, palengke, ospital at iba pang lugar na kinakailangan”

“Walang choice ang ating mga kababayan kundi bumalik sa kanilang dating lugar na tinitirhan dahil nandoon ang kanilang hanapbuhay o ang kanilang ikinabubuhay at pinapasukang paaralan ng kanilang mga anak,” pahayag ng Tondo solon.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Naniniwala si Rep. Asilo na hindi na kailangang ilipat sa iba pang relocation sites ang informal settlers ng Tondo 1 dahil mayroon namang paglilipatan sa kanila sa loob mismo ng siyudad na aniya’y mas magiging matipid pa ito sa pamahalaan.

Gayunman, hiniling ni Rep. Asilo sa pamahalaan na maging maluwag sa mga patakaran lalo na at ang informal settlers ay residente rin ng lungsod.

Dagdag pa ng ‘Kongresista ng Masa’ na dapat ay may patakaran ang pamahalaan na magkaroon ng staging area o temporary shelter ang bawa’t bayan, munisipyo at siyudad bago pa isagawa ang relokasyon ng informal settlers para sa social preparation.