Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Arena)

2 p.m. – FEU vs RTU (for third-M)

4 p.m. – PLDT Home Telpad vs Meralco (for third-W)

Nakabuwelta ang PLDT Home Telpad mula sa 1-2 set deficit upang pataubin ang Meralco sa ikatlong pagkakataon ngayong conference, 25-21, 21-25, 20-25, 25-20, 15-11, para makalapit sa third place honor sa women’s division ng Shakey’s V-League Season 11 Third Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan noong Martes ng gabi.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nagsanib-puwersa ang top hitters ng Turbo Boosters na sina Gretchel Soltones at Suzanne Roces kung saan ay nagtala sila ng kabuuang 44 hits upang pangunahan ang nasabing came-from-behind win na natapos sa loob ng 1 oras at 57 minuto.

Una rito, pinataob naman ng Far Eastern University (FEU) ang Rizal Technological University (RTU), 30-28, 21-25, 25-16, 25-23, upang makalapit din sa hangad na third place finish sa men’s division.

Sinamantala ng Tamaraws ang malumanay na pagtatapos ng Blue Thunders upang makamit ang bentahe sa kanilang sariling best-of-three series sa torneong itinataguyod ng Shakey’s sa tulong ng Mikasa at Accel.

Ang panalo ang ikatlong sunod ng PLDT kontra Meralco na tinalo na nila sa nakaraang double round eliminations.

Nabalewala ang itinala ni Abby Marano na 20 puntos na kinabibilangan ng 16 na hits at 2 aces, gayundin ang naiambag na 18 puntos ng kanilang Thai import na si Wanida Kotruang.

Sa kabilang dako, namuno naman para sa Thunders ang kanilang playing assistant coach na si Carlo Sebastian na may 11 puntos.

Nakatakdang tapusin ngayon ng FEU at PLDT ang kanilang battle for third series sa muli nilang pagsagupa sa kanilang mga katunggali.

Hahataw ang Tamaraws sa ganap na alas-2:00 ng hapon habang aarangkada ang Turbo Boosters sa ganap na alas-4:00 ng hapon.