Inanyayahan ng Delegation of European Union to the Philippines at EU Member States ang ating kababayan na dumalo sa EU Higher Education Fair sa Nobyembre 15 sa Intercontinental Hotel sa Makati upang malaman kung paano makapag-aral sa mga sikat na unibersidad dito.

Ayon kay EU Ambassador Guy Ledoux, pinalawak pa ang oportunidad para sa mga Pinoy na maging iskolar gaya ng Erasmus Mundus at magpakadalubhasa sa mga sikat na unibersidad sa Europe sa pagsali ngayong taon ng Belgium at Denmark. Aabot sa 43 unibersidad ang maaaring pasukan ng mga scholar.

Binibigyang diin ng programa ang language proficiency katuwang ang EU Cultural Institutes gaya ng Goethe-Institut Philippine, Alliance Française de Manille, Instituto Cervantes de Manila, Uni-Italia at Philippine Italian Association.

Ang Erasmus Mundus ay halaw kay Dutch humanist at theologian na si Desidarius Erasmus Rotterdamus na kinilala bilang pinakamatalino noong 15th Century, at ang Latin word na Mundus o mundo.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists