Inihayag ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority na papalitan na ang bulok na hanging bridge sa makasaysayang Biak na Bato National Park sa Bulacan.

Sa pulong ng Protected Area Management Board, inilahad ni Department of Environment and Natural Resources-Provincial Environment and Natural Resources Officer Celia Esteban na ang bahagi ng pondo ay ilalaan sa pagpapagawa ng mas matibay na hanging bridge at pagkukumpleto ng riprapping sa pagpapatatag ng dike upang hindi dumausdos ang lupa mula sa itaas na posibleng magdulot ng pagkasira ng trail at pagbabaw ng ilog.

Iaangkat mula sa Brazil ang mga kahoy na gagamitin dito na ipapa-treat para mas lalong tumibay.

Taong 1998 itinayo ang hanging bridge.
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya