Maglalabas ng bagong postal ID ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) na ipinagmamalaki nito nang labis dahil maituturing na itong isa sa anim na ID na maaaring gamitin bilang valid identification at kikilalanin sa mga transaksiyon sa gobyerno.

Pinangunahan ni Postmaster General Josie dela Cruz ang paglulunsad ng bagong disenyo ng ID na yari sa plastic tulad ng ATM card at driver’s license.

DIGITAL NA  Ipinakikita ni PHLPost Postmaster General Josie Dela Cruz   ang  upgraded version ng postal ID card na may dagdag na layers ng digital security sa Sofitel Hotel sa Pasay City noong Martes. ALI VICOY

Ayon sa tagapagsalita ng PHLPost na si Lhan Marasigan Cruz, madaling mapeke ang lumang postal ID dahil na rin sa dating disenyo nito na yari sa karton at dinidikitan lang ng litrato bago ipa-laminate, kaya maraming transaksyon ang hindi tumatanggap dito.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

Ngunit magiging mahirap nang pekein ang bagong postal ID dahil na rin sa bagong multiple security features nito.

Maaari nang mag-apply ng bagong postal ID simula sa Nobyembre 10 sa mga lungsod ng Maynila at Makati.

Inaasahan namang magiging nationwide na ito sa Pebrero 2015.