Isa sa mga tampok ng ating malayang demokrasya ay ang pagiging bukas sa mga talakayan hinggil sa public issues sa kapwa tradisyonal at social media. Habang papalapit ang presidential elections sa 2016, marami pa tayong makikitang exposé at counter-exposé, charges at counter-charges, na waring nagtutunggalian para sa atensiyon ng publiko.

Ang ilan sa mga kasong ito ang nakararating sa pormal na judicial system sa anyo ng opisyal na impormasyon na inihahain sa Ombudsman at sa huli sa Sandiganbayan. Ito ang nangyari sa tatlo sa ating mga senador ng oposisyon na nakakulong ngayon sa kasong pandaramong na walang piyansa.

Ngunit maraming iba pang isyu ang pinaglalabanan ngayon, hindi sa mga hukuman kundi sa media at iba pang public forum. Marahil ang pinakamalawak na tinatalakay dito ay ang kay Vice President Jejomar Binay, ang nangungunang kandidato sa pagkapangulo sa sunud-sunod na survey na isinagawa ng ilang polling organization.

Matapos ang isang serye ng pagdining na isinagawa ng isang sub-committee ng Senate Blue Ribbon Committee, na nagsimula sa isang pagsisiyasat sa isang umano’y overpriced Makati City building, at tumuno sa isang umano’y hacienda sa Batangas at isang mansiyon sa Tagaytay City, ang susunod na eksena sa drama ay ang isang public debate na idaraos ngayong buwan ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas sa ilalim ng pormal na panuntunan ng debate.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kapag idinaos ang public debate na ito, magkakaroon ito ng coverage sa telebisyon, radyo at print media. Natatanaw ito ng mga kritiko ni Vice President Binay bilang karagdagang forum upang batikusin siya, ngunit naniniwala ang kampo ng Vice President na kung walang immunity sa libel na inalok sa isang legislative inquiry, ang kanyang mga kritiko ay mangangailangang maging makatotohanan at mananagot sa kanilang mga paratang.

Sa kung paano ito mauunawaan ng publiko ay mababatid sa susunod na quarterly survey sa kung sino ang napupusuang maging pangulo sa na gagawin hanggang sa pagtatapos ng taon. Mula sa mataas na 41% sa June survey, bumaba si Binay sa 31% noong Setyembre, ngunit nanatiling top candidate, na si Secretry Mar Roxas ang nasa pangalawang puwesto na nakakuha ng 13% lamang.

Kinaaabangan ng sambayanan ang Malaking Debata na nakatakda sa huling linggo ng Nobyembre. Saka pa lamang magdedesiyon ito sa survey sa Disyembre kung matibay ang basihan ng anti-Binay campaign, o isa lamang ilong pagmamanipula ng pulitika, ang pambulaga sa presidential campaign ng 2016.