Ipinatupad na ang mas mataas na singil sa terminal fee para sa mga domestic at international passenger na daraan sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) matapos mag-take over noong nakaraang linggo sa operasyon at pagmamantine ng paliparan ang isang pribadong concessionaire.

Kinumpirma ni MCIA Authority General Manager Nigel Villafuerte na tumaas sa P220 mula sa P200 ang service charge sa kada domestic passenger at P750 mula sa P550 sa kada international passenger epektibo noong Nobyembre 1 nang pumasok ang GMR-Megawide Cebu Airport Corp. (GMCAC) sa operasyon ng pasilidad matapos masungkit ang P17.5-bilyon MCIA Development Project noong unang bahagi ng 2014.

Ang GMCAC ay isang Cabrerosconsortium ng GMR Group na nakabase sa India at Megawide Construction Corp. na nakakuha ng 25-taong concession contract ng MCIA, gayundin ang rights to renovate ng kasalukuyang passenger terminal building at konstruksiyon ng bagong gusali.

Sa panayam sa telepono, sinabi ni Villarete na inaprubahan ng MCIA ang pagtataas sa passenger service charge base sa board resolution na may petsang Oktubre 10, 2014.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sa pagdedepensa sa dagdag-singil, sinabi ni Villarete na bumigay ang MCIA sa kahilingan na magpatupad ng service charge hike na ipatutupad nang staggered basis.

Ang singil sa kada domestic passenger ay tataas sa P300 mula sa P220 sa Enero 1, 2015. - Kris Bayos