Sa simbahan dumudulog ang may matinding suliranin, na tila nawawalan ng pag-asa. Sa simbahan din dumadalangin at nagbibigay ng papuri sa Diyos. Maginhawa sa pakiramdam kapag nakaulayaw mo sa sandali ng kapayapaan ang Diyos sa loob ng simbahan.

Ilan ito sa mga dahilan kung bakit inilunsad ko ang proyektong pagtatayo ng simbahan noong 2010. Kaya naitayo ko na ang Savannah City Church sa Iloilo, na kayang maglaman ng sanlibo parokyano; Santuario Madonna del Divino Amore sa Evia sa Alabang, na may kaparehong kapasidad; Maia Alta in Antipolo, Rizal; at ang Santuario de San Ezekiel Moreno sa Pulanglupa, Las Piñas.

Pagkatapos ng apat, nagkaroon ako ng panibagong sigla, at nagpasiya ako na ipagpapatuloy ko ang pagtatayo ng simbahan habang ako ay nabubuhay. Kabilang sa mga posibleng lokasyon ng mga simbahan na itatayo ko sa hinaharap ang Cebu, Malolos (Bulacan), General Trias (Cavite) at Lipa (Batangas).

Sa Crosswinds sa Tagaytay, kung saan nagtanim ako ng 30,000 pine tree upang tularan ang kapaligiran sa Switzerland, balak kong itayo ang isang simbahan na kahit maliit ay magiging isang landmark sa Tagaytay.

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill

Ang simbahang itatayo sa tuktok ng isang burol na sakop ng Crosswinds ay inaasahan kong magiging pinakamagandang simbahan sa Pilipinas, at katulong ko sa proyektong ito ang aking anak na si Camille.

Ang mga proyektong ito ay itinatayo sa mga lupang pag-aari ko, sa pamamagitan ng Vista Land & Lifescapes, Inc. Magiging napakagastos at mahirap ang pagpili ng lokasyon kung bibilhin pa ang lupang pagtatayuan ng simbahan. Sa apat na simbahang naitayo, ang Santuario de San Ezekiel Moreno ay itinuturing kong work in progress dahil sa patuloy na pagpapaganda at pagpapalaki nito.

Dahil dito, ang pagtatayo ng simbahan ay magiging pang-ispiritwal na bahagi ng mga programang pangkabuhayan ng SIPAG Foundation, na itinayo ng aking pamilya para tumulong sa mga mahihirap at sa pagpapaunlad sa kalikasan.