Isang liga na para sa kababaihan ang isisilang sa Nobyembre 8 at ito’y ang Pinay Ballers League (PBL).

Ito ang isiniwalat nina PBL president Merenciana Arayi at Commissioner Anthony Sulit sa pagdalo sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate.

Sinabi ni Arayi na kabuuang 18 koponan ang magpapartisipa sa torneo na ang layunin ay mabigyan ng tamang pagsasanay at preparasyon ang mga manlalaro at unibersidad at mabigyan ng pagkakataon na kumita bilang basketball player sa bansa.

“Ang iniisip namin dito ay kailangan na may patunguhan ang lahat ng mga kababaihan natin,” sinabi ni Arayi.

National

Impeachment vs VP Sara, wala nang oras para matuloy – majority solons

“Katulad sa amin na matagal kami na naglaro sa national team pero hanggang sa nagretiro na lamang kami at pagkatapos ay wala na kaming patutunguhan,” sabi pa nito.

“Our ultimate goal is to discover talents in the provinces at dito sa Manila na puwede natin maisali sa national team at posible na maitulad sa programa ng Gilas,” giit naman ni Sulit.

Mayroong siyam na koponan sa Elite Division at sa Developmental Division na magsasagupa sa 1st ED at 2nd DD PBL sa Nobyembre 8-Disyembre 14 sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Manila at sa University of Makati sa Makati City.

Nakatuon naman ang atensiyon sa Philippine Air Force, Diliman United at Kairos bilang ‘team to beat’ habang ang ang anim pang kasali sa ED ay ang Phil. Army, Far Eastern University (FEU) Alumni, Pacman Warriors, PH National Police, UMak at Vixens.

Ang mga kalahok sa DD ay ang A-Team, Basketeer, Laco Alumni, Maroon 5, MC Team, Sole City, St. Paul Alumni, Team Bene at Team Crawler.

Pitong national players ang nasa lineup ng PAF na kinabibilangan nina Analyn Almazan, Fria Bernardo, Cindy Resultay at Caramia Angela Buendia. Tig-tatlong nationals naman ang nasa rosters ng FEU na papangunahan ni Aurora Adriano at PA sa pagtrangko ni Karen Lomogda.

Walong laro ang magpapasimula sa torneo sa Nob. 8 sa RMC na tatampukan ng Air Force-Vixens sa ED sa ganap na alas-9:00 ng umaga, A-Team-SPA sa alas-10:15 ng umaga sa DD, DU-PW sa alas-11:30 ng umaga sa ED, UMak-Army sa alas-12:45 ng tanghali sa ED, TC-LA sa DD sa alas-2:00 ng hapon, B-SC sa DD sa alas-3:15 ng hapon, MCT-TB sa alas-4:30 ng hapon sa DD at PNP-FEUA sa ED sa alas-5:45 ng hapon.