Paolo Bediones

(HULI SA 2 BAHAGI)

TUMAPANG si Paolo Bediones sa pagharap sa problema dahil sa mga taong patuloy na naniniwala sa kanya. Nang humupa ang kinasangkutang kontrobersiya ay unti-unti na rin niyang naibalik sa normal ang takbo ng buhay niya.

“Naging okay ako dahil sa mga taong malapit sa akin – ‘yung magulang ko, family members ko, kayo (pointing to the entertainment press) na naging napakabait sa akin... ‘Yung mga taga-social media na naging napakabait at understanding, so, lahat ng nangyari sa akin, dito ko ‘binuhos pero ginawa kong positive,” saad ni Paolo nang makaharap namin.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ano ang negatibong epekto sa kanya ng isyung kinaharap niya?

“I think, sa akin, ‘yung first two weeks para kang namatayan. Parang gumuho ‘yung mundo mo, di ba? Pero siyempre after that, ano’ng gagawin mo? Magmumukmok ka na lang? Hindi puwede, so parang I wanted to show na kahit na anong grabeng mangyayari sa buhay mo, meron at meron pang magandang mangyayari. Hopefully, giving hope to people,” sagot ng kilalang newscater.

Ano ang leksiyon na natutuhan niya sa nangyari?

“Of course, number one, you must be more careful, be more aware and siguro, appreciate more ‘yung mga taong nasa paligid mo. Kasi hindi ko ito mabubuo kung wala ‘yung tulong ng mga taong nasa paligid ko,” aniya.

Babalik sa news department ng TV5 si Paolo at aminado siyang na-miss niya ito nang sobra.

“Na-miss ko talaga. Hindi naman ako nawala. Umeere pa rin ‘yung mga episode natin. Siyempre, nami-miss ko pa rin ‘yung ginagawa ko, ‘yung late evening news pero ‘yun, eh, things really happened. And now I have this (restaurant). Haping-happy ako,” sabi ng 40 year old news presenter.

Na-miss din ba niya ang pagho-host ng reality show tulad ng The Amazing Race Philippines ni Derek Ramsay?

“Sobrang nami-miss ko. Pero kung iba talaga ‘yung nakaalan para sa iyo… so ‘yun. Kung puwede lang akong gumawa ng sariling konsepto, why not? Pero sa ngayon parang I’ve learned throughout the years -- almost two decades na ako sa showbiz, di ba?-- I’ve learned na at this point, I can slow down na. Heto na, eh. Heto na ‘yung pinaghirapan ko,” sabi pa niya.

Mag-aasawa na ba siya?

“Relax. Naghahanap pa tayo. Malay ninyo, dito ko makilala,” tipid niyang pahayag.

Ibig bang sabihin, ang makikilala niya ay siya nang pakakasalan niya?

“Oh, yes! Definitely. That’s why it’s going to be a matter of deciding na heto na. Heto na ‘yung taong makakasama ko habambuhay,” huling pangungusap ni Paolo bago namin hinarap ang walong natitirang racers ng The Amazing Race PH.