Buong yabang na sinabi ni WBO International welterweight champion Juan Manuel Marquez ng Mexico na wala nang kuwentang labanan sa ikalimang pagkakataon si Pambansang Kamao Manny Pacquiao kahit may malaking alok na premyo dahil pinakamahalaga sa lahat ang karangalan at respeto sa bansa.

Sa panayam ni Miguel Rivera ng BoxingScene.com, iginiit ni Marquez na hindi na niya muling haharapin si Pacquiao dahil napatunayan na niya ang kanyang husay nang patulugin ang Pilipino sa 6th round noong Disyembre 8, 2012 sa Las Vegas, Nevada.

May kartadang 56-7-1 (W-L-D) na may 40 pagwawagi sa knockouts, nasa bingit na ng pagreretiro ang 41-anyos na si Marquez na magsisimula nang magsanay para matiyak kung maaari pa siyang lumaban sa Enero sa susunod na taon.

“I’ve been offered a lot of money for a fight with Pacquiao - but for me honor, prestige, and respect for a country comes first. And, why do a fifth fight? Considering we won,” sinabi ni Marquez sa kabila ng pag-aalinlangang gumamit siya ng bawal na droga para lumakas sa laban kay Pacquiao na dalawang beses nang tumalo sa kanya sa puntos.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

“Making a decision for an athlete [to retire] is very difficult, because we miss the exercise, the applause, the screams of the fans,” dagdag ni Marquez. “I do not want to tarnish the career that I’ve made as many fighters [have done by fighting for too long]. I want to feel sure of what I can do and then make a decision.”

Mula naman ng matalo kay Marquez, nagwagi si Pacquiao sa mga Amerikanong sina Brandon Rios at Timothy Bradley kung saan ay nabawi ang WBO welterweight crown na idedepensa kay Chris Algieri sa Nobyembre 22 sa Macau, China.