Nagpatupad ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa kahapon ng umaga.

Epektibo ng 6:00 ng umaga nagtaas ang Pilipinas Shell, Petron, Chevron, PTT Philippines, Phoenix Petroleum at Total Philippines ng P0.25 sa presyo ng kada litro ng diesel at P0.20 naman sa gasolina.

Tumaas din ng P0.30 ang presyo ng kerosene ng ilang kumpanya.

Noong Oktubre 28, nagpatupad ang mga kumpanya ng rollback na P0.35 sa presyo ng gasolina at P0.20 sa diesel habang walang paggalaw sa kerosene.
National

Impeachment vs VP Sara, wala nang oras para matuloy – majority solons