Sinimulan na kahapon ang joint maritime operations ng Philippine Navy at Philippine Air Force sa interoperability exercises na may codename: Dagit.

Sinabi ni Philippine Fleet Commander Rear Adm. Jaime Bernardino na nais nilang mapaigting ang kapalidad ng Philippine Navy sa pakikipagtulungan ng Philippine Air Force partikular ang joint capability para sa anti-surface, anti-submarine at anti-air warfare operations.

Ang joint exercises codename: Dagit ay tatagal hanggang sa Nobyembre 7 sa Naval Base Cavite, Sangley, Ternate at Manila Bay.

Ang mga kalahok na puwersa ng Navy ay isang patrol gunboat, apat na aircraft at ilang tauhan mula sa Naval Special Operations Group (NAVSOG) at Philippine Marine Corps (PMC).

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Pitong aircraft naman ang inilahok ng Air Force sa exercises kasama ang mga tauhan ng 710th Special Operations Wing (SPOW).

Kabilang sa mga aktibidad ay ang subject matter na expertise exchanges, shipboard tactical maneuvers, close air support operations, helicopter operations, gunnery exercises, maritime air surveillance, at communication exercises.