Idinaraos ang Nobyembre taun-taon bilang National Rice Awareness Month, alinsunod sa Proclamation 524 na inisyu noong Enero 5, 2004. Ang tema para ngayong taon ay “We are RICEponsible!” na isang panawagan ng gobyerno sa sambayanang Pilipino na makibahagi sa pagtamo ng rice self-sufficiency pati na rin sa pagtataguyod ng responsableng pagkonsumo ng kanin para sa kalusugan, walang aksaya, at mabungang pagsasaka.

Sa pagdiriwang ng National Rice Awareness Month, may information exhibits ang Department of Agriculture (DA ) sa lobby nito at sa mga shopping center. Magdaraos din ng rice feeding programs sa mga paaralan. Idaraos naman ang Brown Rice Day sa Nobyembre 14, na humihimok sa mga restawran na maghain ng brown rice. Sa Rice Mix Day sa Nobyembre 21, ang mga kainan ay maghahain ng kanin na may halong mais, adlai, kamote, at iba pang staple nang maiba naman. Magtatapos ang okasyon sa isang Run for Rice sa Nobyembre 29 na may layuning magdulot ng inspirasyon sa publiko na mamuhay ng malusog.

Ipagdiriwang din sa National Rice Awareness Month ang anibersaryo ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ngayon, Nobyembre 5. Ang DA at ang PhilRice ay nakatalagang asintahin ang goal ng bansa sa rice self-sufficiency sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kamalayan ng pbuliko hinggil sa bigas. Hinihimok ang mga consumer na pag-iba-ibahin ang kanilang kinakain sa pamamagitan ng pagkain ng iba’t ibang uri ng kanin tulad ng white corn, cassava, kamote, saging, at kamoteng kahoy. Masustansiya rin ang brown rice na may mas mataas na milling recovery rate na 75% kmpara sa 65% ng white rice, sapagkat nagtataglay pa ito ng mga sustansiya na karaniwang naaalis sa pagpapakinis ng bigas.

Nagpapatupad ang DA ng “Be RICEponsible” campaign, sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensiya at pribadong organisasyon upang itaguyod kalusugan na mainam din para sa kapaligiran at mabuti para sa bansa.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Kailangang tumulong ang sambayanang Pilipino na makamit ng gobyerno ang goal nito sa pamamagitan ng pagkain lamang ng sapat na dami ng kanin, na walang tira, at pag-iba-iba ng sources ng carbohydrates. Ang mais ay karaniwang pagkain sa northern Luzon at cassava naman sa southern Mindanao.

Hinihimok ang mga Pilipino na ubusin ang kinuhang kanin. Ipinakikita ng mga datos na nag-aaksaya ang bawat Pilipino ng dalawang kutsarang kanin araw-araw, na kung hindi sinayang, magreresulta sa import savings na P6.2 bilyon na maaaring magpakain sa 2.6 milyong Pilipino sa loob ng isang taon.