Pinayagan ng Sandiganbayan si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na makapunta sa burol ng apo nito sa loob ng anim na araw.

Sa inilabas na resolusyon ng 1st Division ng anti-graft court, ibinasura ang siyam na araw na kahilingan nitong house arrest.

Ayon sa hukuman, maaari lamang maka-dalaw si Arroyo mula 1:00 ng hapon hanggang 10 ng gabi ng Nobyembre 4 hanggang 9 sa burol ng apong si Jorge Alonzo “Jugo” Arroyo na namatay sa congenital heart problem.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang apo nito ay kasalukuyang nakaburol sa Forbes Park sa Makati City.

Binigyan din ng go-signal si Arroyo na makipaglibing sa Nobyembre 10 mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Iniutos din ng korte sa Philippine National Police (PNP) na bigyan ng security escort kung saan ibibiyahe si Arroyo bago sumapit ang 12:00 ng tanghali at ibabalik din sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).