Sa pagsusulong ng responsible gun ownership, nakikipagtulungan ang Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD) sa Philippine National Police (PNP) sa pagsusulong ng caravan na tutulong sa mga may ari ng baril sa pagre-renew ng lisensiya sa 2014 Defense Sporting & Arms (DSAS) sa SM Megamall sa Mandaluyong City sa Nobyembre 13-16.

Ayon kay AFAD President Jethro T. Dionisio, tumutulong ang kanilang organisasyon sa PNP Firearms and Explosives Division (FED) sa pagsasagawa ng caravan sa iba’t ibang lugar sa bansa upang mabawasan ang mga expired gun license.

Sa nakalipas na mga buwan ay binisita ng PNP-FED caravan ang ilang lugar sa Metro Manila para sa pagpoproseso ng License to Own and Possess Firearms (LTOAPF).

Naniniwala ang mga opisyal ng AFAD na magandang okasyon ang gun show upang makapagsumite ang mga gun owner ng LTOAPF application dahil dinudumog ito ng mga gun enthusiast taun-taon.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Tampok din sa apat na araw na gun show, na gaganapin sa 5th floor ng Building B sa SM Megamall, ang mga modernong armas, bala at shooting paraphernalia.