NEW YORK (Reuters) – Namaalam noong Lunes ang fashion world sa designer na si Oscar de la Renta na namatay noong nakaraang buwan, sa edad na 82, matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa cancer.

Sa loob ng limang dekada ng kanyang career ay marami ang nadamitan ni De la Renta, kabilang ang mga New York socialite, Hollywood stars at American first ladies.

Sinariwa ng dating U.S. Secretaries of State na sina Henry Kissinger at Hillary Clinton, ng dating New York Mayor Michael Bloomberg at ni Vogue magazine Editor in Chief Anna Wintour ang mga ala-ala ng designer sa Church of St. Ignatius Loyola sa Upper East Side ng Manhattan.

“It was a beautiful ceremony,” ayon kay Heather Petrie, 31, miyembro ng choir. “It was a celebration of life” na mayroong “lots of music, an orchestra, a full choir and a soloist.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bago umalis sa simbahan, inilarawan naman ng Music executive na si Lisa Schiff ang misa bilang “extraordinary”.

Kabilang ang mga designer na sina Valentino, Diane von Furstenberg, Tommy Hilfiger at Donna Karan, pati ang mga direktor na si Mike Nichols at asawa nitong si Diane Sawyer, maging ang newswoman na si Barbara Walters, photographer na si Annie Leibovitz at aktor na si Hugh Jackman ay dumalo.

Nanatili naman sa likod ng barikada ang ilang tagahanga at photographer.

“He was an icon and a guru of fashion and a wonderful man who changed people’s lives in fashion,” ani Kim Wolfe ng Manhattan.

“His couture and his design were really created for the sophisticated lady, not necessarily of the 21th century, but of a lady that once was,” dagdag pa niya.

Pumanaw si de la Renta sa kanyang tahanan sa Connecticut noong Oktubre 20, kasama ang kanyang pamilya, kaibigan, at kanyang mga aso. Bumuhos naman ang pakikiramay sa kanyang pamilya ng mga kapwa designer, mga artista at mga dating first lady ng Amerika.