Magsisilbing host ang Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Education (DepEd), sa unang pagkakataon sa taunang ASEAN Schools Games (ASG) sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 7.

Isinasagawa ang ASEAN School Games upang mapalawak ang pagkakaibigan at pagkakaisa ng mga estudyanteng atleta sa Southeast Asian na kinabibilangan ng Pilpinas, Malaysia, Singapore, Indonesia, Brunei, Laos, Vietnam at Thailand.

Huling lumahok ang Pilipinas sa ginanap na 5th ASEAN Schools Games sa Hanoi, Vietnam kung saan ay ipinadala nito ang piling 2013 Palarong Pambansa medalists.

Nagawang mag-uwi ang delegasyon ng 3 tansong medalya sa boys’ volleyball, girls’ basketball at boys’ javelin throw sa katauhan ni Bryan Jay Pacheco.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Matatandaan na binura nito ang Palarong Pambansa record at maging ang personal best nito sa event. Una nang binura ni Pacheco ang Palarong Pambansa record sa shot put.

Ilan sa pinaglalabang sports ay track and field, swimming, basketball, badminton, gymnastics, table tennis (ping pong), at volleyball. Kabilang din ang sepak takraw (kick volleyball) at pencak silat (martial arts).

Gaganapin naman ang ilang mga laro sa Marikina City Sports Complex, habang ang athletics ay sa PhilSports Arena at ang gymnastics sa Rizal Memorial Gymnastics Center.

Tumapos ang Pilipinas na nasa huling puwesto sa, 0-0-3 (ginto-pilak-tanso) medalya. Nagwagi ang Vietnam sa overall title sa tinipong 50-27-23.

Sa kabuuan ay mayroon pa lamang na 1 ginto, 4 pilak at 9 tanso ang naiuwi ng Pilipinas sa torneo.